White Cross

Maishare ko lang nang kaunti :)) I went to White Cross kanina. With my ate and her officemates. It’s an orphanage sa may bandang EDSA ata yun. Pagdating ko dun, may isang ate (11 years old, Joy ang name niya) agad na yumakap sakin. Na-overwhelm ako :)) di ako sanay. :)) nakakatuwa dahil sanay na sila sa mga tao, di sila nahihiya or kung ano man. Actually, ako pa nga unang nahiya sa kanila :)) buti na lang si ate friendly. Nagparticipate din sila sa mga games! :D kaso ang kukulit nila :)) lalo na nung merienda time na. Yung iba behave sa pagkain, yung iba naman nagkukulitan. 

Masaya kasi nakita mong masaya din sila :) and nung time na para i-end yung party, alam nila kung kelan sila magbabye. Parang may something lang, ang weird ng feeling di ko maexplain. Wala naman nag-announce na it’s time to say goodbye ganyan or wala rin akong napansin sa mga nag-aassist saming staff na pinapapasok na nila yung mga bata. May something weird lang sa feeling ko :)) right after na ipamigay yung mga gifts for them, parang alam na nila na kelangan na nila bumalik. Naobserve ko nga rin na kahit yung mga sweet na bata, yung mga naghuhug ganyan, bumalik sila ng rooms na hindi labag sa kalooban nila. I mean, di sila naattach. Well, feeling ko kasi pag bata madali maattach. Or not :)) 

Akala ko nung sumama ko, hindi ako makakapaginteract sa mga bata nang as in sobra. Kasi outreach naman yun ng mga officemates ni ate, hindi naman dapat ako kasama :)) akala ko ang magagawa ko lang ay tumulong sa mga pamimigay ng pagkain or basta. Hindi ko akalain na talagang mabubuhat ko sila or mahuhug. Or makikipaglaro ako sa kanila. Di ko naisip yun nung bago ko pumunta :)) sabi ko pa sa ate ko, sabihin niya na lang saken gagawin pagdating dun. Tapos biglang nung pagdating dun, nauna pa ko sa ate ko na makiconnect sa mga bata :))) 

Oh well. Kahit nakakapagod, at nakatulog ako sa byahe pauwi na tinuloy ko pagdating ng bahay, worth it naman ang experience :) 

After this, acad mode na :)))))

Tagged: white cross.
theme by simplynorule
★ simplynorule